Sunday, June 3, 2007

Cabramatta2

Last day na ng 3 days off ko kaya kailangan di lumipas ito ng wala man lang kabuluhan. Galing kami kahapon sa Blacktown para duon sa street festival so naisip ko punta na lang kami ng Cabramatta...

Ang Cabramatta ay parang smorgasboard ng pinaghalu-halung Asian countries - makikita mo ang Hongkong, Thailand, Cambodia, Pilipinas at ang walang kamatayang Vietnam dito. Para ba yung usong bentilador noong '80s na pinaghalong bentilador, relo , radyo at nightlamp na ang advert ay yung sumasayaw si Pia Moran- andun na lahat.
Kasama namin si Charles, Ianne at Charlene para mas masaya!
Posted by Picasa

Cabramatta

Cabramatta never fails to captivate me. It's the closest thing to Asia along with Chinatown that you can go to in Australia...
from the sugarcanes being slipped through a machine to make instant sugarcane juice....
to the variety of food along the sidewalk- tempting anyone ....
and the familiar crowd along the main street- all of this adds up to the magic of Cabramatta and it always makes me feel I never left home...
Posted by Picasa

Saturday, June 2, 2007

Blacktown Street Festival

Day off ko ngayon kaya nagpunta kami sa Blacktown para makisali sa street festival. Part of it ay itong parade na ito where in nagparticipate ang Filipino community. Syempre andyan ang Philippine marching band na ang uniform eh parang bandila ng Pilipinas lang naman...


At syempre ang mga nag-gagandahang mga Mutya...




Posted by Picasa

Friday, June 1, 2007

Margaret is doing very well!

On Nanay's party, I'm very grateful sa lahat ng friends ko who took the time to celebrate the day with us. Pero, nung makita ko si Margaret sa party (seated in the center beside Nanay) looking so well...parang kodak moment na ang katumbas noon with matching slow motion! Kasi naman, a month before she had a triple bypass open heart surgery and to see her looking this good- para na ring tumama ng lotto si Lito! Salamat Margaret!!!!
Posted by Picasa

nanay's birthday

Last Saturday, we celebrated Nanay's birthday. Surprise yung party at wala siyang ka-alam alam na me party kami para sa kanya...Ang ending- simula pa lang naiyak na tuloy siya...Dami naman ng dumating na bisita- me live singer nga pa for entertainment- laban ka???
Ay naku, tanong ko lang sa sarili ko...ilan kaya sa mga nasa party na yun ang aabutin ang ganung idad? Ano kamo??? Ako? Dahil masama akong damo??? joke!
Sa totoo lang, blessed si Nanay sa dami ng nagmamahal sa kanya...Kakaiyak nga yung part na nagbigay ng message yung mga apo niya- feel na feel mo ang sincerity ng bawat salitang binitawan nila....habang ako naman ay nasa likod at tinatadtad yung litson...
Happy 80th Nanay mula sa aming lahat ...we love you very much!
Posted by Picasa

sundo

kanina ala akong pasok, and as usual sinundo ko sina Raissa at Richelle sa school. Ang kaibahan nga lang ngayon ay me dala akong camera. Trip lang...at saka syempre bago ang blog- excited! heheheheh






Posted by Picasa

bakit oberdabakod?


bakit oberdabakod? kasi parang anjan lang kayo-oo, jan lang sa kabilang bakod...parang ang lapit ko lang-abot tanaw lang...gaya nitong flower basket sa verandah ko- tignan nio...parang napadaan lang kayo at nasipatan ninyo ito...

welcome sa mundo ko...jan lang sa kabilang bakod !
Posted by Picasa

OK to....

  • Little Miss Sunshine, The Shawshank Redemption, The Departed,

smile
Powered By Blogger