Sunday, June 3, 2007

Eh kasi Daddy...








Madalang pa sa patak ng ulan dito sa Sydney ang magkaroon ako ng tatlong araw na sunod sunod na day off from work. Feeling ko I deserve it kasi masyado nga ang stress from work lately. So sabi ko kay Malou kahapon, me street festival sa Blacktown so kung gusto niya punta kami.

Pag- gising ng umaga, excited ang mga bata kasi nga naman madalang lang yung ganitong pagkakataon dahil kadalasan nagtratrabaho ako ng weekend. Pero bago lumamyerda, kailangan gawin ko ang karaniwang ginagawa ng mga OFW pag walang pasok- at yun nga ang maglinis ng bahay! So, grab na ng vacuum at dibdibin ang pagvacuum. Pasensya na sa outfit dahil kagigising lang - di ko kasi nakaugalian ang mag shirt and tie at kumanta ng- "I'm gonna knock on your door, ring on your bell, tap on your window too..." habang nagva-vacuum...tulad ng mga Electrolux sales men. hehehheheh....

Eto ngayun ang eksena...andaming naglipanang kalat- merong mga bag, toys, shoeseses kaya tuloy napag-initan ko si Raissa...Eh di ba, sa nagva-vacuum ang mga kalat- masakit sa dibdib?

Eh si Raissa alam niya pag galit mode ako kasi una tunog bagong baterya ako ( translation - malakas ang volume) at straight English kung magsalita para madali niyang maintindihan. Sabi nga niya pag nagsasalita ako ng Tagalog - wala daw yun normal lang, pag Taglish medyu naiinis na ako, pero,pero,pero------------pag straight English na parang Pinatubo ako na sumabog na me kasama pang lahar flow dahil galit na galit na ako. O di ba, ang anak ko parang sa akin nagmana ng logic?





"RAISSA!!!!!!!!!!!"
"yes Dad....'

"YOU NEVER LEARN RAISSA , YOU ALWAYS LEAVE ALL YOUR THINGS WHEREVER!!!"

" eh daddy..."

"
LOOK AT ALL THE SHOESESES- THE'RE ALL OVER THE PLACE- WHAT IF YOUR GRANDMA TIPS OVER!!!!

"eh daddy nga..."

"PURO KA EH DADDY, PURO KA EH DADDY--------ANO????'

"eh daddy, all the kalat are yours- the black shoes are your hush puppies for work, the white ones are your sport shoes...."

Ngayon alam ko na bakit napili si Raissa sa kanilang school debating- ang galing pala niyang mangatuwiran....Pero patatalo ba naman ako? Sabi nga ng iba - when all else fails- use your AUTHORITY. So ang ending---


"LIGPITIN MO NA LANG KASI RAISSA!"

Sunod naman ang bata.....wagi!
Posted by Picasa

No comments:

OK to....

  • Little Miss Sunshine, The Shawshank Redemption, The Departed,

smile
Powered By Blogger