Thursday, June 21, 2007

John and Marsha





Balik tayo ng 70s, noong panahon na namamayagpag pa ang "john and Marsha". Sino ba naman ang hindi nakaka-relate kay John Puruntong? Before Homer Simpson, he was the cool dad!!!

Andaming impressions ni Mang John and the series na forever na yatang nakaukit sa memory ko.......

...ang kanyang shorts- na parte na ng ating kolokyal language- ang Puruntong shorts in honor of him. Kadalasan ito ay bulaklakin, meron pa akong episode na naaalala na terno ang puruntong ni Mang John sa kortina ng kanilang bahay dahil sobra ang tela...heehehhh

.....ang classic na upuan ni mang John na pag kinuha mo eh loose yung kahoy doon sa base...andaming nakarelate dito...naaalala ko sa amin noon merong ganito pag dinampot mo yung kahoy lang ang makukuha mo...hehheheeh

Ang kanilang fridge na pag binuksan mo eh mga sapatos ang laman....

Ang bahay nila na pag pumasok ka eh kita mo na lahat - living rum, dining rum, bedroom lahat andun na....

.....Si Donya Delilah at si Matutina....Pag sinabi ni Donya Delilah kay Matutina na bigyan si John ng pera eh magwawalis si Matutina ng pera....oh kaya naman pag sinabing bigyan ng tseke eh sasagot si Matutina ng "tseke niyo o tseke ko?" classic!!!!

.....ang batian ni John at Donya Delilah pag bumisita siya -
John: Ma....
D/D : Hmmm...
John: Hmmm...
(in such a simple exchange, swak na swak ang mood na gustong i- convey)

Ang linya ni Donya Delilah na-" Ang mga apo kong magaganda, buti na lang di nagmana sa ama nilang etchetera, etchetera...." hehehhe

At dahil tatapusin ko na ang post na ito- dapat lang ng gamitin ko ang most famous line na pag narinig mo na alam mo na matatapos na ang episode---



"Kaya ikaw John, magsumikap ka at ng hindi kung ano anong trabaho ang pinapasukan mo..........!!!!!!!"

No comments:

OK to....

  • Little Miss Sunshine, The Shawshank Redemption, The Departed,

smile
Powered By Blogger